This year’s valentine’s day was a blast! I’ve been so blessed that I spent it with my brothers and sisters in Christ, serenading couples from different walks of life. At around 5am, we were all up and ready to rehearse for our 5:30am schedule. Nakakaloka, haranang pang madaling araw. Pero nakakatuwa din syempre, un ang talagang surprise, kasi di ka pa nga nagigising e tapos biglang may kakanta hehe
Nakakatuwang makarinig ng Live music first thing in the morning, lalo na yung smooth na harmony ng guys. Naiimagine ko tuloy, kung eto ang bonding nila sa apartment, gusto kong bumili ng ticket! hahaha
I really am lifted up when I hear them sing, recognizing that God has indeed given them their talents and they are honoring Him by using it for His kingdom. Sulit ang pagbangon ko ng 4am.
What I loved most about this day is the presence of each one of them. Umpisa pa lang ng post ko pero sasabihin ko na ang pinaka na learn ko… The people you’re with makes a difference to your day, like, immensely. Pwede din i-apply sa life in general.. Sanay ako na pag may event or gathering kahit na masaya yung araw, nasstress pa din ako somehow. Tapos exhausted ako agad, emotionally and physically. Kaya in preparation, pinagppray ko talaga yung mga araw na alam na alam kong magiging stressful for me. But that day, from 4am-2am na gising ako, tinamaan lang ako ng pagod nung mga around 1 am na… Siguro nakaka energize din talaga kasi ang pagtawa, at nung araw na yun, madami na kaming tawa, nababad pa ko sa malalamig na boses. Siguro din na recharge ako dun.. hehe Syempre, nakapahinga din sa mga practice sessions kahit papaano. Narealize ko din na ipagpray na talaga ang vocal prowess ko, gusto ko silang supportahan sa pagkanta pero nahihirapan talaga ako. Buti na lang madami ang ladies 🙂 Naranasan din namin na habulin ng aso papunta sa bahay nung isang haharanahin, haha sobrang bukas kasi yung gate nung isang malaking bahay tapos habang nananahimik kaming naglalakad, out came three dogs na magkakaiba ng breed. Sinugod kami habang chorus pa silang tumatahol. xp Muntik na talaga kaming tumakbo, Hehe well medjo napa-brisk walk lang kami palayo haha Ayan ang mukha namin after ng suspense sa pagdaan sa tapat ng bahay nung may mga aso. Thankfully, hindi na sila lumabas nung pangalawang daan namin.. hehe siguro kasi nung second time, mas tahimik na kami, slow-mo pa xp haha meron pa ngang bumubulong-bulong ng “Wag nyong titignan yung bahay, wag nyo silang titignan derecho lang kayo” hahaha Nakakatuwa kasi nitong araw na ito, na-enjoy ko kahit yung paglalakad lang namin. haha Grabe, narerealize ko na naman, this could’ve been a very dragging day for me but it wasn’t. Kung pwede lang, gusto kong mag time travel, tapos videohan lahat ng kulet nila.. Haha Of course, I am thankful and prayerful that there’ll be more of these with them. hehe Hindi lang yung kulet yunng inadmire ko from them but yung blessing to be in the presence of God’s children. I was blessed to witness a brewing unintended conflict be prevented by a wise, gentle word from a man of God. Or when I saw a seemingly pang pa bad-mood na news delivered with carefully chosen words, seasoned with salt. Nabless talaga ako. Truly iba ang joy to be in the presence of His children who are growing in their walk with him. “Luto na ba yung blood?” “Ang sarap ng dugo nila” hehe parang vampire lang ang peg. Manglilibre sana ako pero kalahati lang pla ng total price ang kaya ng pera kong dala. Fail. hehe Nag isaw break muna kami habang naghihintay sa aming magagandang sundo na sina ate je at ate Glo na nagpa-massage sa V-Lounge. A well-deserved break for our ates na nag effort mag hatid sundo sa amin at asikasuhin ang mga pagbe-bake ng cakes at pag-arrange ng mga flowers.
Syempre, after namin dyan, amoy barbecue na kaming lahat. hahaha Na-feel namin yun nung nasa kotse na kami. Amoy ulam xp hehe speaking of kotse, dun din kami nagre-rehearse in-between haranas. Naka-separate sa harap si migs para free sya makapag-guitar 🙂
Nung una nga, sa 6:30am harana namin sa may japanese torii, hindi muna kami bumaba ng sasakyan kasi ang usapan ay magaabot daw muna ng bayad para makita namin kung sino yung haharanahin. Tapos pagkaabot nung bayad at pagkaupo nung client ulit sa bench, nag decide kami na sa may thai pavilion na lang bumaba para mas surprise. So umandar na kami ulit. hahahaha narealize lang namin nung tingin ng tingin samin yung client habang umaatras kami na mukha na palang itatakbo namin yung pera, yung tipong kuha ng bayad muna sabay takas! haha parang na budol-budol lang xp hehehe later naman nakita nya na lumipat lang kami ng parking sa likod nila 🙂 hehe sorry na sa mini kabado moment dear client.. :3
Nakaroon nga din pla ng time na nasa jeep kami tapos dahil nagutom ko, nagdecide akong kumain ng hansel, Nag sideview muna ako, nakatingin sa malayo at feel na feel ang hangin sa mukha ko nang kinagat ko ang isang biskwit ng hansel na aking hawak, nagulat ko nang bglang nahati ito sa gitna at nadurog ang crumbs ng bongga sabay nilipad lahat sa mukha ni Miggy hahaha na-witness pa ni Jiwi.. hehehe sorry migs, like you said, next time espasol naman xp
Ang isa pang blooper sa jeep ay nung biglang nag-break si Manong driver, syempre talsik kami lahat. Ang lakas nga lng ng pagkaka-react ng ladies (insert nagulat scream here) napatingin at natawa tuloy yung mga naghihintay ng bus sa may olivarez.
In their defense, malakas naman talaga yun pagkaka preno ni kuya, may pasa na nga yung isa samin na tumama kasi nasa dulo.. buti na lang ang chill ng mga kasama ko.. hehe
More group pics ^_^ Although I was dubbed as stage nanay of the day for always taking pictures kahit na sa mga times na naglalakad kami, ok lang… Ang saya ko kasi talaga.. hehe Hindi ko nga lang alam kung nakita nila yun kasi as usual, siguro mukha na naman akong floating..
In fact, sa tuwa ko, nakikihingi pa ko ng pics sa phone ng iba… hehe That was the pic of our first rehearsal, for our first harana this year. Nung mga times na yan, lowbat pa cam ko, buti na lang may shots si Jem 😀
After a long day of traveling and rehearsing (artista lang ang peg.. haha ), we went to McDo to celebrate Jessa’s spiritual birthday \(^_^)/ Special thanks to ate Je, na binigyan na naman kami ng cake for the Nth time 🙂 Tapos after kumain, pumunta na kami sa freedom park kung saan, nagbuhat pa ang mga guys kasi sila ang assigned sa physicals. Naambunan pa kami papunta dun.. I praise the Lord talaga upon knowing na despite our busy sched, wala namang nasagasaan masyado sa ibang plans at wala ding nagkasakit.
After nun, It’s febfair time for me 😀 ang naging kasama ko naman ay ang aking housemates and Kariz 🙂 Hindi kami nag rides, nagikot-ikot lang kami. At medyo nag group pics na din.. hehe
Napatigil kami sa paglalakad nung na-capture yung interest namin nung kuya nasa stage, iba kasi ang stage presence ni kuya. Marami na kong napanood na live bands pero nagawa nya din kasi na i-sustain ang vocal quality nya habang nagliligalig sa stage. Ang galing, nun ko lang sila napanood, pero tinapos ko lahat ng songs nila. Here’s one of the songs na kinanta nila na na-appreciate ko din.. 🙂 A song about love na sakto sa theme for this day 🙂
Actually, Napaka-diverse nung range ng mga kinanta nila. Pero so far malinis talaga ang execution nung songs. Pati sa last song nila malinis din ang growls nya. hehe Nakakatuwa din malaman na naging classmate nya si Kariz at Ish and natuwa din sila makita ang “Funny at Mabait” na kuyang classmate nila dun sa stage at nagpeperform. Hindi daw kasi halata na nasa band nya kasi hindi nya din nabanggit ever tapos very down-to-earth ang aura nya..
Like I said, 1am na ko tinamaan ng pagod, Hopefully next time sana di na umulan para maka-upo ako sa grass after mag-ikot at makatambay pa more. I truly praise the Lord for the lives of His children and for the laughs I had that day. My heart was overwhelmed with happiness this hearts’ day ❤
And I believe that’s infinitely worth more than just receiving flowers, chocolates, or any other gifts money could buy. Pero kung may dagdag na ganun, why not?! haha 😀