Kiddie Time.

Nagsimula ang araw ko sa isang super nakakaantok na gising na parang halos ayaw ko bumangon sa kama kaya lang nag sink-in sakin na in 30 minutes kailangan namin makarating sa baker hall at dalawa pa kami na hindi naliligo. Na-feel ko ang pressure, alam ko na ang bawat isa sa amin sa bahay kanina ay maha-haggard ng bongga today, so bago ako bumangon, Nagpray muna ako na panghawakan talaga ng God ang mood naming lahat ngayong araw na ito.

And I praise God, na talaga namang nakita ko kung paano nya ito pinanghawakan buong maghapon sa thanksgiving ng church namin 🙂

Kami nila ate Claire ang naghandle sa mga kids, na-bless ako sa mga teachers, game na game talaga silang lahat at talaga namang naging helping hand ang bawat isa, kitang-kita mo ang heart na nandun talaga sila para magserve hindi yung parang napasali lang dahil inask sila.

Grabe ang pagod, kitang-kita ko  sa mga Oily na mukha naming lahat, haha. Lalo na dun sa nka-ilang palit ng T-shirt dahil sobrang pinawisan. Pero katulad nga ng na-share ko kanina sa prayer time namin, Na-bless kaming lahat sa araw na ito 🙂

Praise God!

Image

*Ang ilan sa mga teachers kasama ang mga nag-help sa pagdrawing at pag-paint ng props para sa performance ng mga kids sa program 😛

Me, painting a cardboard cut-out of an octopus :p